“Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.”

“Kapag nawala na ako, sabi ng bahay sa gitna ng pagkukuwento, at nalulungkot ka, lagi mo lang iisipin, ang kalungkutan ay kaligahayang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon.”

“Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.”

“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”